Saturday, February 6, 2010
Dimensyong Pampanitikan (Filipino)
B. Dimensyong Pampanitikan
1) Dimensyong Sosyolohikal.
Masasabing walang pagkakaiba ang panahon noon sa panahon ngayon, pero anu-ano ang mga nagpapatunay dito. Ang nobelang Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal ay mayroong dimensyong sosyolohikal. Ang dimensyong ito ay tumatalakay sa mga usaping kaligirang panlipunan at usaping pampulitikal. Mababasa sa akda na ang mga indiyo o mga katutubong Pilipino ay nasa ilalim ng mahigpit na pangangalaga at mariwasang pamamahala ng mga Kastila. Matatagpuan dito ang kalupitan ng mga alperes at ibang tao sa pulitika lalo na sa mga mangmang na mga indiyo. Makikita dito ang masidhing pagkakagapos ng mga indiyo sa diwa ng pagka-alipin at ang malaking pagkakaiba ng trato ng mga Kastila sa mga mestiso at mga indiyo. Noong araw, talamak na talamak na din ang pangungurakot sa gobyerno. Sa nobelang ito ay maraming mababatid na iba’t ibang uri ng katiwalian sa pulitika, pandaraya ng mga taong naka-upo ng mataas sa gobyerno at ang mabagal na pagdaloy ng mga kilusang pagbabago lalo na sa paraan ng pamamahala ng mga malulupit na Kastila. Mababatid na ang pulitika noon ay hindi masyadong nakapag bibigay ng hustisya sa mga taong tulad nina Crispin at Basilio.
2) Dimensyong Kultural
Mga kaugliang pag mamano, mga kinagisnang pagsimba ito’y matatalakay sa Noli Me Tangere ni Jose Rizal. Ang nobelang ito ay makikitaan ng Dimensyong kultural. Ang dimesyong ito ay tumatalakay sa kahalagahan ng tradisyon at nakatuon ito sa kultura, kaugalian, tradisyon, at paniniwala ng mga tao. Mababasa sa akd na naging tradisyon at ugali na ng mga Pilipino noong unang panahaon ang pagbibigay ng indulhensya at donasyon pera upang maligtas sa mga kasalanan at mapuntang diretso sa langit ng hindi na dumadaan sa purgatoryo. Matatagpuan din dito na naging kinagisnan na ng tao, ang mga misa sa simbahan ay Latin ang ginagamit na linguahe at ang prayle ay nakatalikod pa sa mga nasimba. Nakaugalian na rin ng mga Pilipino noon na magdasal at magpamisa sa mga paborito nilang mga santo upang pagkalooban ng grasya. Ang kaugaliang ito ay mababatid kay Kapitan Tiyago na simula’t sapol ay mahilig magpamisa para sa mga santo. Tradisyon na din noon ang pagbibigay galang sa mga prayleng Kastila sa pamamagitan ng pagmamano at kung ikaw naman ay nakasakay sa kalesa o anumang sakayan, kailangan mong bumaba para magmano sa pari at saka ka lang makakasakay muli kung ang prayleng iyong pinagmanuhan ay wala na sa abot ng iyong matatanaw. Nakasaad din sa nobela ang tradisyong pagpupurisisyon ng mga santo twing may mga kapistahan. Sa nobelang ito ay madaming mga kultura, tradisyon at mga kaugalian ng mga Pilipino noong panahon ng pangaalipin ng mga kastila sa Pilipinas.
3) Dimensyong Ekonomikal
Iba’t ibang trabaho, hanapbuhay at pagkakakitaan tulad ng pagsasaka at pagpapastol ang nagsisilbing pinagkukuhanan ng ekonomiya ng isang bansa. Ang Noli Me Tangere ay makikitaan ng Dimensyong Ekonomikal at ito’y tumatalakay sa kalagayang ekonomikal ng isang bansa at ang pagbabago sa lipunan ayon sa ekonomiya. Sa akda, makikita na ang pangunahing hanap-buhay ng mga tao ay ang pagsasaka o ang pag tatanim sa bukid. Tulad na lamang ng ninuno ni Don Raphael na ang naging trabaho ay ang pagtatanim sa bukid. Naging hanap-buhay din ng mga tao ang pag aalaga ng mga hayop o ang pagpapastol. Minsan nang naisip ni Crispin na magpastol kina Ibarra upang mapag-aral niya ang kanyang kapatid na si Basilio. Hanap-buhay din doon ang pangingisda. Makikita na ang ekonomiya ng bansa ay hindi gaanong masagana sapagkat makikita dito sa nobela na maraming indiyo at mga Pilipino ang nagugutom at naghihirap.
4) Dimensyong Teknolohikal
Ang nobelang Noli Me Tangere ay naglalaman ng Dimensyong Teknolohikal. Ito ang uri ng dimensyon na tumatalakay tungkol sa teknolohiya. Makikita sa nobela ang ang mga makalumang teknolohiya na noo’y ginamit. Mapapansin dito na hindi ganoon kadami ang mga teknolohiya sapagkat makaluma nga ang tagpuan at ito ay sa isang bayan lamang. Makikita dito ang malaking pagkakaiba ng teknolohiya noon sa teknolohiya ngayong mga kapanahunan natin. Isang maituturing na teknolohiya na ginamit dito ay ang baril. Ginamit ito ng alperes at ng mga kawal na ginagamit sa panghuhuli at pantakot nila sa mga tulisan tulad nina Elias. Dala rin nila ito oras nang hinuli nila si Ibarra sa kanya tahanan. Isa pa ring maituturung na teknolohiya sa nabanggit sa nobela ay yung pang ibabaw na bahagi ng panulukang bato. Ito dapat ang gagamitin nila upang patayin si Crisostomo Ibarra at sa kabutihang palad iniligtas siya ng isang Indiyo pero ang indiyong ito ay namatay. Nagamit din dito ang kakaibang teknolohiya na kung tawagin ay salagunting at kalo ito ang ginagamit nila para mapadali ang paggawa ng eskwelahan ni nais ipatayo ni Ibarra. Ito ang nagtataas at nagbababa ng panulukang bato sa tulong ng kanyang sariling lakas. Ang mga nabanggit na iyon ay ang mga teknolohiya sa nobelang Noli Me Tangere.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Laking tulong po. Mas naintindihan ko ano ang Dimensyong Pampanitikan. May nasagot ako sa aking pinal na gawain sa filipino.
ReplyDelete-3rdyearcollegestudent