In my blog, you'll learn many things about the other side of me. You might think Im boastful, brag and savage but if you will try to appreciate and realize good things I do. You may see the true me. Luigi :]
Saturday, February 6, 2010
Sagot sa Tanong (Filipino)
C. Sagot sa Tanong
Sa mga unang bahagi ng nobela, may iba’t ibang karakter ang mga tauhan pero hindi ito sapat upang sila’y makilala. Paano nga ba naipakilala ang mga tauhan sa nobela .Naipakilala ng husto ng may akda ang mga tauhan sa pamamagitan ng pagbibigay ng pisikal na kaanyuan at paguugali sa mga tauhang nakapaloob sa nobela na lalong nagpaganda sa istorya. Ipanakilala sila sa iba’t ibang paraan. May ipinakikilala na nagbuhat pa sa mga ninuno ang deskripsyon at meron din namang mga tauhan na ipinakilala bilang mga kaibigan ni Ibarra at doon sila’y nakilala ng tuluyan ng mga mambabasa. Tumunghay naman sa buhay pag-ibig na kung saan naganap ang iba’t ibang pangyayari. Ang buhay pag-ibig, bagaman may mga suliranin at balakid ay masaya. Naipakita ito ng may akda sa pamamagitan nina Crisotomo Ibarra at Maria Clara. Sila ay masaya sa isa’t isa tuwing magkasama at nagsusuyuan. Doon din papasok ang walang hanggang pag iibigan ng dalwang magkasintahan. Ang bawat isa ay nagiging inspirasyon para sa kanila. Natututo silang maging matatag sa bawat pagsubok na kinahaharap nila, na nagpapatibay pa lalo sa kanilang pagmamahalan.
Maraming maituturing na pangyayari sa kwentong may kaugnayan sa Teoryang Romantisismo. Tulad na nga lamang ng wagas na pag-ibig ng mag-sing irog. Umiikot ito kina Maria Clara at Crisostomo Ibarra. Ang buhay pag-ibig ay lipos ng saya, naipakikita naman nina Ibarra at Maria Clara na ang pag ibig nilang dalwa sa isa’t isa ay lipos ng kasiyahan, bagama’t maraming problema ang kinaharap nilang dalawa. Ang buhay ay patuloy na pakikipagtunggali. Sa lahat ng oras, halos nakipaglaban sina Ibarra at Maria Clara para lamang sa kanilang buhay pag-ibig. Mas pinili ni Maria Clara na mag-madre imbis na makasal kay Linares. At doon ay napatunayan na nakikipagtunggali siya upang hindi masira ang pagsamo niya kay Ibarra. Bagaman ang buhay ay masaya, meron pa rin itong kakambal na pagdurusa at kapighatian. Sa una, naging masaya ang relasyon nina Ibarra at Maria Clara. Pero sa pahuli na, sinubok ng mga taong nakapaligid sa kanila ang kanilang relasyon. Iyon ang nagsisilbing kakambal na pagdurusa sa kwento. Ang damdamin at emosyon ng mga tauhan ay napakahalaga din sa isang kathang buhay tulad ng Noli Me Tangere. Inilarawan ng may akda ang mga damdamin at emosyon nina Crisostomo Ibarra at Maria Clara sa lahat ng pagkakataon. Sa pamamagitan nito, pinahalagahan ng may akda ang damdami ang emosyon ng mga karakter sa nobela. Paano nga ba napatunayan ni Crisostomo ang kanyang pag-ibig kay Maria Clara? Noong si Ibarra ay nagtungong Europa para mag-aral, hindi sila nagkalimutan ni Maria Clara. Sila ay nagsusulatan pa rin at sa pamamagitan ng mga sulat na ito, mapapatunayang nakapagtapat ng pagmamahal si Ibarra kay Maria Clara.
Sa buhay pag-ibig, madalas ay suliranin ang kinakaharap. Tulad na lamang nina Ibarra at Maria Clara marami din silang kinaharap na suliraning pag-ibig. Ika nga, sa mga magkasintahan, laging dumadaan sa mga pagsubok na makakapagpatibay sa kanilang pagmamahalan. Tulad ng iba, sina Ibarra at Maria Clara ay dumaan din sa mga pagsubok na ganyan. Isa dito ang pagkakakulong ni Ibarra. Nakulong siya sa piitan sapagkat napagbintangan siyang nagpasimula ng rebolusyon sa gobyerno. Naging suliranin din nilang dalawa ang pagdatingng isang hamak na si Linares. Kung saan muntik nang maikasal si Maria Clara. At isa sa pinakamalaking balakid din ay ang pag-ayaw ng prayleng si Padre Damaso kay Ibarra sapagkat pinag bibintangan siyang isang erehe at pilibustero. At lalo sa lahat ay ang pagpasok ni Maria Clara sa kumbento. Isa din iyon sa mga problemang kinaharap ng dalawa. Sa nobelang Noli Me Tangere, may mga pangyayaring nagpapatunay na maganda pa rin ang mundo sa kabila ng mga masasalimuot na pangayayari. Napatunayan dito na ang mundo ay maganda at masaya sapagkat miski na madaming masasalimuot na pangyayari sa buhay ang mga tao tulad nina Ibarra at Maria Clara ay patuloy pa ring nabubuhay ng payapa sa kanilang diwa na walang bahid na kaguhulhan.
Ang buhay sa San Diego ay sinasabing maganda. Ito ay inilarawan ni Dr. Jose Rizal na ligid ng palayan at tubuhan. Dito tumubo ang lahi nina Crisostomo Ibarra at Maria Clara. Ang mga lugar ay maraming mga puno. May mga malilinis na ilog at ang mga naninirahang mamamayan ay masasaya at maliligaya. Mapayapa ang kanilang pamumuhay dito sapagkat kaunti lamang ang mga sigalutan ng mga tao sa baryo. Ito din ay inilarawan ni Rizal bilang isang maliit at mapayapang bayan sa Laguna. At sa pamamagitan ng mga paglalarawang ito, naipakita ng may-akda ang kagandahan ng buhay sa San Diego. Naipakita din ng may akda na ang mundo ay ideyal sa pamamagitan ng paglalarawan nito sa mga magagandang nangyayari sa paligid imbis na puro kasamaan ang nakikita. Nagawa pa din niyang ilarawan ang mga maliligayang pangyayari na nang yayari sa mundo. Kaya naman para sa may akda, ang mundo ay ideyal. Naipakita din nga miski na madaming masasamang nangyayari sa paligid. Maganda pa din ang mundo. Isa sa mga tema ng nobela ay ang wagas na pagiibigan ng mag-sing irog ngunit hindi lamang dito umikot ang buong istorya sa nobela. Marami pang ibang tema ang isinama ni Rizal sa nobela kaya naman maaari itong lapatan ng iba’t ibang uri ng teorya. Ginamit ng may akda ang temang wagas na pagiibigan upang mas mapalawak ang pinakatema nito. Kasama din sa mga tema ang pagtuligsa sa simbahan, ang mga paniniwala ng mga tao sa indulhensya na papasok din sa mga dimensyong panitikan. Pero sa madaling salita, ang pangkalahatang tema ay hindi tungkol sa magsing irog, pero isa ito sa mga tema na nakapaloob sa nobela.
In this blog, you will discover the other part of me. You will enjoy me and my naked body. You will end up discovering that Im not just a happy go lucky person who takes life humorously. Sometimes, i get too serious about things. Im not perfect as you may think, Im just a simple guy living with a sexy body.
dimayuga! salamat dito. malaking tulong to. pero di ko yan ginaya ha. parang guide lang. tingnan mo ang blog ko, meron din aq
ReplyDeletealam mo naman, mabait ako sa kapwa ko. :]
ReplyDeleteThank u very much!
ReplyDeleteTinkyuuuuuuu
ReplyDelete